By Emil Medina
Day 10. December 23, 2021
Mga Basahin:GALATIANS 4:4-5 MBBTAG
4 Ngunit nang sumapit ang tamang panahon, isinugo ng Diyos ang kanyang Anak na isinilang ng isang babae at namuhay sa ilalim ng Kautusan 5 upang palayain ang mga nasa ilalim ng Kautusan. Sa gayon, tayo'y maituturing na mga anak ng Diyos.
Ang aklat ng Galacia na isinulat ni Pablo para sa mga simbahan sa rehiyon ng Galacia upang kondenahin ang maling paniniwala, ibang balita, at maling katuruan, at ipaalala ang magandang balita na ipinangaral na nila at wala ng iba pa (Galacia 1:1-9).
Sa kapitulo apat ng Galacia kung ating babasahin ito sa kabuuan sinasabi ni Pablo na sila ay malaya na at hindi alipin (Galatia 4:8-9), ang halimbawa ni Sara at Hagar (Galacia 4:21-24), ang anak ni Hagar na isang alipin at ang anak ni Sara na isang malaya. Ang kasunduan ibinigay ng Diyos kay Moses sa Bundok ng Sinai (Hagar) at ang makalangit na Jerusalem (Sara) (Galacia 4:24-26). Si Ismael na anak ni Hagar at si Isaac na anak ni Sarah (Galacia 4;28—31), ipinapaliwanag ni Pablo na hindi na sila alipin ng kautusan dahil sa Panginoong Hesukristo. Kaya nga ipinanganak o isinugo ng Ama sa langit ang Panginoong Hesus para mapalaya tayo na alipin ng kautusan.
Hindi man natin alam ang eksaktong araw ng kapanganakan ng Panginoong Hesus, pero sinasabi sa kasulatan na dumating sya o pinanganak sya ayon sa sa kagustuhan ng Diyos at sa tamang panahon ayon sa katuparan ng propesiya sa kanya, marami ang nag aabang sa kanya, sya ba ay manggagaling sa mayamang angkan ng mga hari? Ngunit nakita natin sa napakasimpleng pamamaraan at lugar sya dumating.
Naalala ko dati ng ako ay bata pa. Ang pagdiriwang ng Pasko ay masaya, maraming regalo at pagkain, maliwanag ang paligid, ngunit sa panlabas ko lang pala kilala ang Panginoong Hesus. Isa akong alipin na sumusunod lamang sa kaugalian na aking nakagisnan, ang BELEN o Sabsaban na aking nakikita ng kapanganakan nya ay isang tradisyon lamang sa aking puso at hindi ko alam ang layunin nya sa aking buhay. Ngunit dumating din ang panahon na nasilayan ko sya ng malapitan sa pamamagitan ng Biblia at nalaman ko ang ang kanyang personal na layunin sa aking buhay kung bakit sya ipinaganak at kung paano nya iniligtas ang aking buhay at maging malaya sa kasalanan.
Ano nga ba ang batang ito? Sya ang nagligtas at nagpalaya sa akin sa pagka alipin ng kasalanan.
Katanungan:
Kilala mo ba ang batang ito?nasubaybayan mo ba ang kanyang paglaki ayon sa Biblia?
Ano nga ba ang layunin nya sa buhay mo?Ikaw ano nga ba ang layunin mo sa buhay, katulad ba nya?
Nagagalak ka ba na sya ay ipinanganak para maghari sa buhay mo?
Paano mo ilalarawan ang iyong pasasalamat sa kanyang kapanganakan?
Panalangin :
Salamat Ama sa kapanganakan ng Panginoong Hesus sa pagsugo sa kanya sa amin para kami ay palayain sa aming mga kasalanan,bagamat hindi ko alam ang personal na maidudulot nito sa akin sa mahabang panahon na nagdaan pero dumating ang tamang panahon na nakilala ko ng lubusan ang kangyang mithiin sa aking buhay,tulungan mo kami na huwag kalimutan ang layunin nya sa aming buhay sa pamamagitan ng pagiging tapat sayo at ipakilala sya sa ibang tao para maging makabuluhan din ang kanyang pagsilang at hindi tradisyon lamang,sa pangalan ng Panginoong Hesus AMEN.
Comments